ROXAS CITY – Nababahala ngayon sa kanyang sitwasyon ang overseas Filipino worker (OFW) matapos nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) disease ang dalawang kasamahan sa Kuwait.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas sa Capizeña na si Lyn Lyn, sinabi nitong nakaramdam na siya ng sintomas ng COVID-19 disease matapos magkaroon nga close contact sa kasamahang household helper na isang Ethiopian national na nagpositibo sa nasabing sakit.
Malakas ang paniniwala ni Lyn Lyn na nakuha ng kasamang Ethiopian ang virus sa kasamahan nilang head driver na kamakailan lamang ay namatay dahil sa COVID-19.
Naalarma lamang ito na posible nahawa ng COVID-19 dahil sa ilang sintomas na naramdaman katulad ng pananakit ng lalamunan, ulo kalamnan at panghihina ng. katawan.
Para maiwasan na hindi mahawa ang inaalagaang bata at ilang miyembro ng pamilyang pinagsisilbihan ni Lyn Lyn ay nagdesisyon ito na isolate ang sarili sa pamamagitan ng pagtigil sa loob ng kanyang silid.