ROXAS CITY – Labis ang pasasalamat ng isang film director na tubong Capiz matapos na itanghal ito bilang Best Director sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2020 (PPP4).
Sa interview ng Bombo Radyo kay Gary Torrenueva Tabanera, hindi nito inaasahan na maging Best Director sa ginawang pelikula na may pamagat na “Binakol sa Dahon”.
Ito ay dahil marami ring mga film directors ang lumahok mula pa sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon kay Tabanera, ang nasabing pelikula ang kabilang na sa Cinermarya Short Film Festival 2019 matapos na nakakuha ng garantiya sa ilalim ng Film Development Council of the Philippines, Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Council for Women.
Nabatid na mahigit 150 na mga pelikula ang lumahok sa PPP4.
Nagpapasalamat naman si Tabanera sa buong production team na naging bahagi upang maging matagumpay ang kanilang pelikula.