-- Advertisements --
Gino Buizon
Gino Buizon/ FB photo

ROXAS CITY – Nag-uwi ng dalawang medalya, isang silver at bronze medal ang isang proud Capizeño na si Gino Paulo Aguro Buizon sa 23rd World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Long Beach, California.

Si Buizon na taga Dao, Capiz, isang nurse ang propesyon ang nagrepresenta sa Pilipinas sa prestiyosong kumpetisyon.

Kabilang sa mga nakuhang medalya ni Buizon ang silver medal sa vocal solo rap category at bronze medal sa vocal world music category, kung saan tagalog song ang kanyang master piece.

Ayon kay Buizon na labis ang kanyang kaligayahan matapos makakuha ng dalawang medalya, dahil patunay lamang ito na nagbunga na ang kanyang sakripisyo.

Aminado ito na dahil first time niyang sumali sa international competition, ay may kaba itong naramdaman, ngunit ng pumagitna na sa stage para kumanta, bigay todo na ito dahil gusto niyang mabigyan ng karangalan ang kanyang hometown, home province at Pilipinas.

Samantala naniniwala si Buizon na may medalya o wala ay karangalan na sa kanila na dahil ang mapasama pa lamang sa nasabing kumpetisyon ay malaking bagay na para sa isang artist.