-- Advertisements --

Nagpahiwatig ang Hollywood actor na si Chris Evans na bukas na siya sa ideyang pasukin ang married life.

Ito’y sa kabila ng pakikipaghiwalay sa kanyang mahigit dalawang taon nang karelasyon na si Jenny Slate na nakilala niya sa pelikulang “Gifted” noong 2017.

Ayon sa 37-year-old actor, excited siya sa pagdating ng araw na may makakasama na siyang mag-decorate ng Christmas tree.

Si Evans ay sumikat bilang si “Captain America” na kasalukuyang enjoy sa kanyang career lalo na’t naging global box office ang bago nitong pelikula na “Avengers: Endgame.”

Chris Evans and other Avengers
Marvel photo