-- Advertisements --

Nasa listahan ng Hollywood actor na si Chris Evans ang Pilipinas na kanyang planong puntahan sa kabila ng coronavirus pandemic.

Ayon sa 39-year-old actor, nae-excite siya dahil puro magagandang paglalarawan sa mga tourist spot sa Pilipinas ang kanyang naririnig.

Sa panig naman ng Chief Executive Officer ng Philippine telecommunication kung saan si Evans ang bagong brand ambassador, inihayag ni Alfredo Panlilio na aasikasuhin nila ito saan mang isla nais pumasyal gaya sa Amanpulo.

Gayunman, mas maganda aniya kung ito ay sa panahong tuluyan nang aalisin ang lahat ng travel restrictions para sa siguradong kaligtasan.

Chris Evans dick daw

“Well I would say that I can’t wait to get out there. I can’t wait to visit. I have heard nothing but amazing things and this partnership only makes me more excited to come and say hi,” saad ni Evans sa virtual press conference ng Smart.

Noong nakaraang taon nang malagay siya sa kontrobersya kaugnay sa kumalat sa internet na umano’y close up picture ng kanyang ari.

Bagama’t agad binura ni Evans ang kanyang nude post, mabilis na nakapag-save ang ilan sa kanyang 5.7 million followers.

Si Evans ay sumikat bilang si “Captain America” sa Marvel Cinematic Universe.