-- Advertisements --
Inatake ng mga armadong kalalakihan ang sikat na hotel sa Mogadishu, Somalia.
Nagdulot ito sa pagkakasawi ng isang tao at pagkamatay naman ng dalawang mga suspek.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, pinasabog ng mga suspek ang isang kotse sa gate ng Elite Hotel.
Itinuturong nasa likod ng insidente ang militanteng grupo na Al-Shabaab na konektado sa Al Qaeda.
Kinumpirma ng ministry of information na ang nasawi ay si Abdirisak Abdi na isang ministry official.