-- Advertisements --

Pinababalik muna ng Tesla ang umaabot sa 48,000 na mga kotse na Model 3 Performance vehicles sa Estados Unidos dahil sa kawalan daw ng display speedometer habang nasa “Track Mode.”

Batay sa recall orders, ang mga ito ay kinabibilangan ng mga sasakyan mula 2018 hanggang 2022 model years.

Sinasabing ang Tesla ay magsasagawa muna ng over-the-air software update upang sagutin ang isyu.

Inamin ng Tesla na nagkamali umano ang tinatawag na firmware update na inalis sa speed unit mula sa user interface.

Ang US National Highway Traffic Safety Administration ay nag-abiso na rin na hindi umano nag-comply sa federal motor vehicle safety standard ang nabanggit na mga modelo.

Kung ang mga drivers ay hindi alam kung gaano na ang kanilang itinatakbo ay maaaring magpataas ito sa bilang ng mga aksidente.

Ang kompaniyang Tesla na pag-aari ng bilyonaryong si Elon Musk ay nakapagsagawa na ng 10 mga recall campaigns na kinabibilangan ng 2.1 million vehicles nitong taon lamang.

Ito ang pangalawa sa highest number of vehicles na ni-recall ngayong taon na ang pinakamarami ay ang Ford Motor.