Inianunsyo ngayon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mapapasailalim sa General Community Quarantine simula Pebrero 1 hanggang 28, 2020 ang Cordillera Autonomous Region (CAR), Abra, Apayao, Benguet, Baguio, Ifugao, Kalinga at Mountain province.
Habang ang buong NCR naman ay mananatili na GCQ kasama na ang probinsya ng Batangas; Tacloban city; Davao City at Davao del Norte at ang Lanao del Sur at Iligan City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, lahat ng mga iba pang mga rehiyon at probinsya at mga syudad na hindi nabanggit ay mapapasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).
“Uulitin ko po, nasa ilalim po ng GCQ ang mga sumusunod: ang NCR, ang CAR, kasama ang Abra, Apayao, Benguet, Baguio, Ifugao, Kalinga, Mountain province; ang Batangas province, ang Tacloban City, ang Davao City, ang Davao del Norte, ang Lana del Sur, at ang Iligan City,” ani Sec. Roque.