-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating racing driver na si Sabine Schmitz sa edad 51.
Ayon sa kampo nito na noong 2017 pa ay dinapuan na siya ng cancer at hindi na sila nagbigay ng ibang impormasyon.
Sumikat si Schmitz dahil siya lamang ang tanging babae na nanalo sa Nurburgring 24 hours touring car race noong 1996 at 1997 na isang 14-mile circuit sa Germany.
Mula noon ay nakilala na ito bilang “Queen of the Nurburgring” na may sinasabing mahigit 20,000 na beses itong umikot sa nasabing race track.
Mula ng lumabas siya sa Top Gear noong 2004 ay naging bahagi na ito ng show kasama si Chris Evans noong 2016.