DAVAO CITY – Isina-ilalim na sa State of Calamity ang Munisipalidad ng Caraga, Davao Oriental dahil sa naranasang Cholera outbreak.
Sa ngayon nadagdagan na naman ang bilang ng mga nagkasakit na residnete na umabot na sa 547 kung saan 34 nito ay kasalukuyan pang nasa ospital habang 229 ang na-discharge na, habang 6 naman ang namatay.
Inihayag ni Davao Oriental Provincial Health officer Dr Ruben Bersaldo, maglalagay na sila ng water feltiration system o mga purefiers sa tatlong mga lugar na natumbok ng LGU, partikular na sa barangay Santiago kung saan naitala ang pinaka-maraming bilang ng mga biktima sa mga Purok Lower mansanas, Atipo at Molave kung saan dalawang mga tangke ang ilalagay.
Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang house-to-house monitoring nga mga healthcare workers upang malaman ang kalagayan ng mga residente.
Samtantala inihayag naman ni Davao oriental government Nelson Dayanghirang na for bidding na ang water reservoir project sa Caraga na may pondong 20 million pesos.