-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Bilang tugon sa magnitude 7.4 na lindol nitong Sabado ng gabi, ang Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa pamamagitan ng Office of Civil Defense, itinaas na ng RDRRM Emergency Operations Center (RDRRMEOC) ang alert status sa red alert upang matiyak ang kaagad na koordinasyon sa iba’t ibang government agencies at mga local government units.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Ronald Briol, ang tagapagsalita ng Office of Civil Defense-Caraga, nga ilalom sa red alert status, 24/7 ang pagresponde ng kanilang regional personnel sa naturang kalamidad.

Sa ngayon ay patuloy ang koordinasyon nila sa mga apektadong local government units lalo na sa bayan ng Hinatuan, Lingig, Barobo, Tagbina, Tandag City at Bislig City bg Surigao del Norte para sa streamlined coordination lalo na’t patuloy pa ring nararanasan ang mga aftershocks.