-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakapagtala ng tatlong mga bagong patay sa COVID-19 ang Caraga region ngayong araw habang 113 ang mga bagong kaso kung saan 111 sa kanila ang naka-isolate habang 64 ang bagong nakarekober.

Pinakamarami ang naitala sa Bislig City na umabot sa 30 mga kaso, na sinundan ng Agusan del Sur 18; Surigao City 13; Butuan City 12; tig-10 sa Agusan del Norte at Surigao del Sur; Dinagat Islands province 9; Cabadbaran City 5, habang apat sa Surigao del Norte; at dalawa sa Tandag City.

Dahil dito’y umabot na ngayon sa 10,335 ang cumulative COVID-19 cases nitong rehiyon, 938 ang naka-isolate; 9,043 ang nakarekober at 354 na ang kabuuang patay.