-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Target ngayon ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na gawing modelo sa buong Pilipinas ang Caraga bilang model region sa mas pina-igting na economic zones.

Katunayan nito’y ang pag-iikot na ni PEZA Director General Charito ‘Ching’ Plaza sa potential investor sa matagal ng pinaplanong economic zone sa Nasipit, Agusan del Norte na asipit, Aguusan del Norte Industrial Estate Special Economic Zone (NANIE-SEZ) na ilalagay sa Brgy. Camagong.

Ang nasabing investor ay syang magpupundo, magde-develop, at magpapalakas pa ng NANIE.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PEZA Director General Charity ‘Ching’ Plaza na sa pamamagitan nito’y marami-rami pang mga investors ang ma-iimbitahan ng Pilipinas mula sa iba’t ibang industriya upang maglagak ng kanilang puhunan sa mga ecozones.

Ngayon pa lang ay nakita na ng opisyal na interesadong mag-i-invest ang iilang mga investors matapos na personal nilang nakita ang lokasyon ng NANIE-SEZ.