BUTUAN CITY – Tinitiyak ni Veralew De Vera, regional director ng National Food Authority o NFA-Caraga na may sapat na stock ng bigas ang rehiyon.
Ayon sa opisyal na sa kasalukuyan ay may 65,000 bags ng palay na ma-convert sa 41,000 bags ng bigas ang mga bodega sa ahensiya na makadagdag sa stock na 13,000 bags ng bigas.
Inihayag ni De Vera na mandatu sa kanilang ahensiya ang pagkakaroon ng bufferstock upang may magamit sa mga relief operation sa panahon ng sakuna.
Aminado naman ang opisyal na may epekto sa suplay ng bigas ang mahigit limang libo na ektaryang palayan na napinsala dahil sa mga pagbaha sa Caraga sa nakaraang linggo ngunit hindi pa umano ito ngayon mararamdaman.
Kaugnay nito, pinasasalamatan ng opisyal ang mga magsasaka sa patuloy na pagbebenta ng kanilang mga palay sa National Food Authority.