-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakapagtala ng dagdag 34 na variant of concerns (VOCs) ng COVID-19 ang Department of Health-Caraga.

Sa pinakabagong Biosurveillance report ng Department of Heath Center for Health Caraga, 23 ang naitalang Beta variant cases ng COVID-19 sa rehiyon na kinabibilangan ng 15 kaso mula sa Surigao City, Butuan City, 2 ; at may tag-iisa sa Bayugan City, at mga bayan ng Bacuag, Placer, Socorro sa Surigao del Norte at mga bayan sa Cagdianao at Libjo sa Dinagat Islands province.

Nadagdagan naman ng 11 kaso sa Alpha variant ang rehiyon, na kibibilangan ng dalawang kaso mula sa Nasipit, Agusan del Norte habang mayroong tag-iisang kaso ang Butuan City, Taganaan, at Tubod sa Surigao del Norte.

Base sa datos na inilabas ng DOH-Caraga, walang naitalang bagong kaso sa nakakahawang Delta variant.

Sa ngayon, base sa resulta sa kabuuang COVID-19 variants, wala nang aktibong kaso sa lahat variants ang rehiyon habang 28 na mga natalang Alpha cases ang nakarekober na kasama ng 72 Beta cases, 63 Delta cases at 21 P.3 cases.

Sa bilang naman ng mga nasawi, 11 ang namatay dahil sa Alpha variant; 10 sa Beta; at 4 sa Delta variant.