-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Dr. Ernesto Pareja, medical officer IV ng Department of Health (DOH) Caraga na mayroon na silang naitalang clustering o unti-unting pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 nitong rehiyon lalo na dito sa lungsod ng Butuan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na araw-araw ay may maitatala silang COVID-19 positive cases mula sa iba’t ibang lalawigan nitong rehiyon dahil umano sa unti-unti ng pagkawala ng immunity ng mga tao dahil matagal-tagal na matapos ang kanilang pagpapaturok ng primary series at hindi pa nagpa-booster shot.

Dumarami din ang nagpositibo dahil maramil-rami na rin ang hindi sumusunod sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at pag-iwas sa pagtitipon-tipon.

Karamihan umano sa mga nagpositibo ay mga hindi bakunado na natamaan ng COVID-19, nagpapakita ng moderate hanggang sa severe na simtomas na iba sa mga bakunado na nagpapakita lang ng mild symptoms.

Dahil dito’y nananawagan sni Dr. Pareja ang lahat na magpa-booster shot na upang madagdagan ang kanilang proteksyon laban sa nakamamatay na coronavirus.