BUTUAN CITY – Nakapagtala ng siyam na mga bagong COVID-related deaths ang Caraga region habang 234 naman ang mga bagong kaso kung saan 229 sa mga ito ang naka-isolate at 80 naman ang mga bagong nakarekober.
Dahil dito’y umabot na sa 27,773 ang cumulative COVID-19 cases sa rehiyon kung saan sa naturang bilang 2,111 ang mga naka-isolate habang 24,772 naman ang mga nakarekober at 890 na ang kabuuang namatay.
Sa mga bagong kaso, pinakamarami ang naitala sa Surigao del Sur na umabot sa 62 na sinundan ng Agusan del Norte-45; Agusan del Sur-42, Butuan City-26 habang tig-17 mga kaso naman ang naitala sa Bayugan City at Cabadbaran City.
Nakapagtala din ng tag-aanim na mga kaso ang Surigao City at Surigao del Norte, apat naman sa Dinagat Islands province at tatlo sa Tandag City.
Samantala sa lungsod ng Butuan, nangunguna sa may maraming mga kaso ang Brgy. Villa Kananga na umabot sa pito; Libertad-4; tigtatatlo sa Brgy. Doongan at San Vicente; tigdadalawa naman sa Brgy. Buhangin at Tandang Sora at tig-iisang kaso naman sa Brgy. Limaha Fort Poyohon; Dagohoy, Babag at Ambago.