-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Masayang ini-ulat ni Dr. Ernesto Pareja, ang medical officer V ng Local Health Support Division ng Department of Health (DOH) Caraga na walang naotalang kaso ng firecracker-related injury sa buong Caraga Region nitong holiday season.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na natuto na ang mga tao sa delikadong hatid ng mga paputok kung kaya’t hindi na ito gaanong ginagamit.

Ito’y lalo na’t mag-iisang linggo bago ang Pasko ay nagsagawa sila ng awareness campaign kasama ang mga media men ng rehiyon habang ang mga kinauukulang ahensya ng gobyernol ay humihingi din ng permit para sa mga nais makapagbenta ng mga paputok.