BUTUAN CITY – May naitala pa ring mga nagsilikas ang rehiyon sa Caraga dahil sa mga pagbaha na hatid ng masamang panahon simula pa noong Disyembre sa nakaraang taon.
Ayon kay Mark Davey Reyes, Publin Information Officer ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-Caraga na sa ngayon ay may 503 pamilya o 1,1196 indibidwal ang nasa mga evacuation centers sa Agusan Del Sur, Surigao Del Norte at Dinagat Island.
Dagdag pa sa opisyal na karamihan sa mga ito ay nagsilikas noon pang Disyembre nang nakaranas ng mga pag-ulan ang rehiyon dahil sa Shearline.
Sa ngayon ay patuloy rin ang kanilang monitoring sa mga lokal na pamahalaan para sa mga pangangailangan sa mga apektadong indibidwal.
May mga Local Government UNits narin na nag-request ng tulong galing sa ahensiya habang tinitiyak naman ni Reyes na may aabot sa mahigit 50-million pesos na halaga sa food and non-food items na naka stockpile ngayon sa mga warehouses sa DSWD sa buong rehiyon.