-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakapagtala ang Caraga Region ng 11-porsientong pagbaba ng poverty incidence nitong 2023 kumpara sa 2022 na syang pinakamababa sa 18 mga rehiyon sa buong bansa.

Sa isinagawang 2023 Full Year Official Poverty Statistics Regional Dissemination Forum dito sa Butuan City, inihayag ni Dinagat Islands Provincial Governor at chairperson ng Caraga Regional Development Plan Council Nilo Demerey Jr., na ang pagbaba sa bilang ng mga mahihirap sa rehiyon ay hindi lang istatistika kundi nagpapakita din sa pagbuti ng kabuhayan ng mga pamilyang Caraganons.

Naging highlight ang nasabing forum ang mga ipinatupad nilang paraan sabay pahayag sa kanilang commitment sa pagbuo ng mga epesyenting inisyatiba upang mas magiging maayos pa ang pangkabuhayan ng mga Caraganons.