-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakakuha na ng 2 gintong medalya ang Caraga Region o Team CaraGold sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City matapos maibulsa ni Airelle Ashley Lape ang gold medal para sa Arnis – Individual Espada Y Daga sa Elementary Division.

Si Lape ay taga-Ampayon Central Elementary School sa Brgy. Ampayon nitong lungsod ng Butuan sa ilalim ng kanyang coach na si Erwin Hora.

Habang oras lamang matapos makuha ni Lape ang gintong medalya ay nakuha naman ni Crisbirth Crabajales sa Madrid National High School sa bayan ng Madrid, Surigao del Sur ang pangalawang gintong medalya para sa Discuss Throw sa High School Boys Division.