-- Advertisements --

Iloilo City – Pansamantalang ititigil ang lahat ng caravans sa Iloilo City kaugnay sa May 2022 elections.

Nasa Alert Level 2 ang lungsod ngunit sinabi ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na mas hihigpitan ang restrictions dahil sa Omicron variant threat at sa inaasahang surge sa kaso ng COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na mas hinigpitan na ang pagbantay ng border sa lungsod dahil hindi na sigurudo kun sino ang positibo sa virus.

Noong nakaraang taon, nakapag-caravan si presidential aspirant Leni Robredo sa lungsod gayundin ang mga supporters ni former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Nakapag-caravan din ang iba pang presidential aspirants katulad nila Sen. Ping Lacson at Manila Mayor Isko Moreno.

Una nang ipinahayag ang posibilidad ng pagbisita ni Bongbong sa lungsod ng Iloilo bago ang Dinagyang Festival 2022.