Inalok umano ng AF Payments Inc., ang EDSA Busway na gumamit ng QR system para sa transaksyon ng mga commuters.
Sa isang pahayg, sinabi ng AFPI na nakahanda silang mamigay ng libreng beep cards para sa mga pasaherong nangangailangan.
Kasalukuyan na rin daw inaaral ng nasabing kumpanya ang mga hakbang na kanilang gagawin upang tugunan ang pagkabahala na nararamdaman ng mga pasahero dahil sa mandatory na paggamit ng Beep cards sa EDSA Busway.
Bago ito ay sinuspinde na ng Department of Transportation (DOTr) ang paggamit ng Beep cards sa EDSA Busway station simula kahapon, araw ng Lunes.
Dahil dito ay napagdesisyunan ng kumpaniya na na mag-alok ng system upgrade na magbibigay-daan sa mga pasahero na gumamit ng QR ticker na kailangang iprint o di-kaya naman ay sa pamamagitan lamang ng kanilang mga cellphone.
“In the meantime, to ease the burden of passengers who have challenges buying a Beep card, we will issue free Beep cards to people in need,” saad sa pahayag.
“This offer has been made possible by our shareholders and business groups, who graciously donated the needed funds to pay for up to 125,000 free cards,” dagdag pa nito.
Hindi na raw kasi kakailanganin pang gumastos ng mga ito sa QR paper tickets para hindi na rin dumagdag pa sa babayaran na pamasahe ng mga commuters.