-- Advertisements --
Nanumpa si Ducielle Cardema bilang representative ng controversial na Duterte Youth party-list.
Si Cardema ay siyang first nominee ng partido ay siyang nanumpa sa harapan ng bagong Speaker na si Lord Allan Velasco.
Isinagawa ang panunumpa matapos payagan ni Commission on Election (COMELEC) Chairman Sheriff Abas si Cardema na umupo sa nasabing posisyon.
Asawa siya ni dating National Youth Commission chair Ronald Cardema.
Kinuwestiyon naman ng grupo na pinangungunahan ni Emil Marañon ang panunumpa ni Cardema kung saan dapat ay isapubliko muna ng Comelec ang kanilang desisyon.