-- Advertisements --
Hindi napigilan ng American rapper na si Cardi B na gumanti matapos buhusan ng likido habang kumakanta sa stage.
Naganap ang insidente habang kumakanta ang singer sa Las Vegas ng bigla itong buhusan ng isang likido mula sa audience.
Dahil dito ay ang binato ng rapper ng kaniyang hawak na microphone ang bumuhos sa kaniya na fans.
Agad namang pinalayas ng kaniyang security ang lalaki na bumuhos sa kaniya ng isang basong hindi malamang likido.
Dahil dito ay hindi na tinapos ng rapper ang kaniyang performance.