-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Cardi B ang kaniyang muling pagbubuntis.

Isinagawa nito ang anunsiyo matapos ang kaniyang performance sa Black Entertainment TV (BET) Awards.

Sa kaniyang Instagram account inanunsiyo din nito ang ang nasabing magandang balita.

Nagwagi ang singer ng dalawang award sa BET, ito ay ang best video at best collaboration para sa WAP duet kay Megan Thee Stallion.

Naging pinakamalaking panalo sa award ang Texan rapper na si Megan Thee Stallion na nakakuha ng apat na awards kabilang ang dalawa sa WAP.

Nakuha nito ang best female hip-hop artist sa dalawang sunod na taon at ang viewer’s choice award para kantang “Savage” para sa collaboration niya kay Beyonce.

Binigyan naman na lifetime achievement award ang rap pioneer Queen na si Latifah.