-- Advertisements --

Kinumpirma na ng rapper na si Cardi B na ito ay hiwalay na sa asawang si Offset.

Ang nasabig kumpirmasyon ay matapos na mapansin ng mga fans nito na in-unfollow nito ang asawang rapper.

Sa social media account ni Cardi B ay kinumpirma ang nasabing hiwalayan.

Sinabi pa nito na nais niyang magdiwang ng bagong taon na bukas at sariwa.

HInikayat din nito ang mga fans na pagdating ng bagong taon ay bitawan ang lahat ng mga tinatawag na “dead weight”.

Taong 2017 ng ikasal ang dalawa pero noong 2020 ay naghain si Cardi B ng divorce dahil umano sa pangangaliwa.

May anak na dalawa ang mag-asawa na ito ay sina Kulture, limang taong gulang at si Wave na dalawang taong gulang.