-- Advertisements --
Cardi B
Cardi B/ Twitter image

Naghain ng ‘not guilty’ plea ang rapper na si Cardi B sa Queens, New York court dahil sa kaso nitong pananakit.

Pagdating lamang niya sa korte ay sinabihan na siya ng judge ng siya ay kinakasuhan ng 2nd degree ng attempted assault at ibang mga kaso.

Binasa pa ng judge ang mga options sa kaniyang mga kasong kinakaharap.

Mabilis namang nagdesisyon ang abogado nito at sila ay agad na naghain ng ‘not guilty’ plea.

Nagmula ang ang kasong 2 counts of felony attempted assault, serious physical injury at ibang mga kaso dahil sa pananakit nito sa isang babaeng bartender na pinaghinalaang karelasyon ng nobyo nito noong nakaraang taon.