-- Advertisements --
Naghain ng divorce ang rapper na si Cardi B para tapusin na ang kasal nila ng asawang si Offset.
Nakasaad sa inihain nitong dokumento sa Georgia, na nais nitong sa kaniya mapunta ang kustodiya ng 2-anyos na anak na si Kulture.
Hiniling din nito sa korte ang pagbibigay ng suporta ni Offset sa anak.
Paglilinaw din nito na wala na itong balak na makipagbalikan pa sa nasabing singer.
Taong 2017 ng sekretong ikinasal ang dalawa at matapos ang isang taon ay isinilang ang anak na si Kulture.