-- Advertisements --

Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang simbahang katolika na ipanalangin ang bansa ngayon nahaharap ito sa krisis, tunggalian at kaguluhan. 

Ang pahayag ni Advincula, ay sa gitna ng inilarawan niyang “intense events at discourses” kasunod ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Cardinal, ang panalangin ang siyang pangunahing magdadala sa kapayaan, hustisya at pagkakaisa. 

Bilang bahagi ng kanyang apela, naglabas si Advincula ng oratio imperata, o obligatory prayer, para sa bansa.

Hiniling niya sa lahat ng mga parokya sa archdiocese na gamitin ang panalangin araw-araw pagkatapos ng post-Communion prayer sa lahat ng Misa simula sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma.