-- Advertisements --

Itinalaga si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula bilang cardinal-priest ng Parrocchia San Virgilio sa Rome, Italy.

Inanunsiyo ng Parrochia San Virgilio sa kanilang social medi ang nasabing balita.

Pormal kasi na uupo si Advincula sa puwesto sa Abril 30.

Noong Abril 21 ay nakipagkita ito kay Pope Francis at Cardinal Giovanni Battista Re na siyang kasalukuyang Dean of College of Cardinals.

Sa pinakahuli ay mayroong 117 Cardinals Electors na kinabibilangan ni Advincula kasama si Cardinal Luis Antonio Tagle.