-- Advertisements --

Itinalaga ni Pope Francis si Capiz Archbishop Jose Cardinal Advincula bilang miyembro ng Congregation for the Clergy.

Sa anunsyo ng Holy See Press Office, maliban kay Advincula isa pang cardinal mula sa Brunei ang itinalaga ng Santo Papa sa parehong pwesto.

Ang nasabing tanggapan ay kasalukuyang nakabase sa Vatican City.

Kabilang si Advincula sa siyam na mga kardinal na binigyan ng assignment ng Catholic pontiff ngayong linggo sa iba’t ibang dicasteries sa Roman Curia.

Naging Obispo sa San Carlos, Negros Occidental si Advincula noong 2001 at nailipat sa Capiz bilang archbishop noong 2011.