Ngayong Biyernes Santo, nagpaalala si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga Pilipino patungkol sa sakripisyong ginawa ni Hesus sa Krus at ang pagtugon dito sa pamamagitan ng pasasalamat at pagiging makatao.
Kinakailangan umanong aminin sa sarili ang pagiging “unworthy” sa regalong ibinigay ni Hesus, ngunit bawat isa ay nakatanggap parin ng kanyang walang hanggang pagmamahal.
“Today, we gathered together the great sacrifice that our lord Jesus Christ made for us on the cross as we contemplate the immensity of God’s love for us, we are called to respond as a community with humility and gratitude,” sinabi pa ni Cardinal Advincula.
Ayon pa sa kanyang homily, tinawag ang mga tao upang magmahalan katulad ng pagmamahal ni Kristo.
Ito ay nangangahulugan lamang na ang isang tao ay kinakailangang magkaroon rin ng pagkukusang magsakripisyo para sa kapwa.
“Parents make sacrifices in their personal time and interests to attend their children’s activities and appointments. Siblings may share their belongings even if it means giving up something they really wanted for themselves. Children may take on extra responsibilities at home to help a parent in need. Spouses may put their careers [and] goals on hold to support their partner’s career or focus on raising their children,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.
Sa gitna umano ng paghihirap at anumang balakid, huwag kakalimutan na walang sinuman ang nag iisa.
Sa pagtatapos ng homily, sinabi pa ni Cardinal Advincula na tiniis na ni Kristo ang pinakamasamang sitwasyon sa dito sa mundo para sa mga tao.