-- Advertisements --
Hindi na makikibahagi sa secret conclave para sa pagpili ng bagong Santo Papa si Italian Cardinal Giovanni Angelo Becciu.
Si Becciu ay na-convict dahil sa financial crimes ng Vatican.
Inatasan siya ni Pope Francis noong 2020 na magbitiw sa puwesto dahil sa nasabing scandal.
Noong nakaraang linggo ay umapela ito ng suporta na kung maari ay makasama siya sa conclave pero nitong nakaraang araw ay nagbago ang kaniyang desisyon.
Magugunitang napili ng mga Cardinals ang Mayo 7 na pagsisimula ng conclave at maghalal ng bagong Santo Papa na papalit sa namayapang si Pope Francis.