-- Advertisements --

Itinalaga ni Pope Francis si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang miyembro ng Roman Curia.

Ayon sa Vatican na itinalaga si David sa Dicastery for the Docrtine of Faith isa sa mga pinakalumang departamento ng Santo Papa.

Kasama ni David na itinalaga sina Jaime Spengler ang Arsobispo ng Porto,Alegra, Brazil , Ignace Bessi Dogbo ang Arsobispo ng Abidjan, Cote d’Voire at Roberto Repole ang Arsobispo ng Turin at Obispo ng Susa, Italy.

Ang magiging trabaho ng Congregation for the Doctrine of the Faith ay para protektahan ang Catholic doctrine at magiging tribunal para sa anumang pagkakamali laban sa pananampalataya.

Ang kasalukuyang prefect ng dicastery ay si Argentinian Cardinal Victor Manuel Fernandez.

Magugunitang noong Okutbre ng nakaraang taon ay itinalaga ni Pope Francis si David bilang cardinal na siyang pang-10 cardinal na Pinoy.

Siya rin ang kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na ibinoto noong 2021.

Nanawagan naman ng pagdarasal ng suporta ang Diocese ng Kalookan para sa panibagong trabaho ni David.