Nanawagan ang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na si Cardinal Pablo David sa mga pari na sulitin ang “Simbang Gabi” upang maibahagi ang Salita ng Diyos sa mga mananampalataya.
Binigyang-diin ni David ang kahalagahan ng paghahatid ng mga makabuluhang sermon tungkol sa ebanghelyo para sa tradisyonal na siyam na araw na Misa, na nsgsimula kaninang madaling araw ng Lunes.
Aniya, ito ang panahon na talagang nakikinig ang mgsa tao sa Simabahan.
Pinaalalahanan niya ang mga pari na ituon ang kanilang mga mensahe sa salita ng Diyos, sa halip na mga personal na opinyon.
Hinimok din ni David ang mga Pilipino na yakapin ang inclusivity, pagyamanin ang pagkakaisa sa mga taong may iba’t ibang paniniwala at pinagmulan.
Ang Simbang Gabi ay siyam na araw na serye ng mga Misa sa gabi/ madaling araw na ginaganap taun-taon.
Ito ay dinadaluhan ng mga Pilipinong Katoliko bago sumapit ang araw ng pasko.