Ibinasura ng Victoria’s Court of Appeal ang inihain na apela ni Cardinal George Pell sa kaniyang kinakaharap na sexual offences matapos nitong di-umano’y molestiyahin ang dalawang batang lalaki sa Melbourne noong 1990.
Dalawa sa tatlong judge ang hindi pumayag sa primary ground of appeal ni Pell.
Noong Marso, sinentensyahan si Pell ng hanggang anim na taong pagkakakulong matapos mapag-alaman na guilty ito sa limang offences kasama na ang “sexual penetration of a child.”
Dahil sa desisyong ito ng hukuman, mananatili ang former Vatican treasurer sa loob ng kulungan hanggang Oktubre 2022 kung kailan ay magiging eligible ito na mabigyan ng parole.
Naglabas naman ng pahayag ang tagapagsalita ni Pell sa Catholic Archdiocese of Sydney kung saan kinumpirma nito na bubusisiin nila ng mabuti ang naging desisyon ng hukuman.
“Cardinal Pell is obviously disappointed with the decision today,” saad sa pahayag.