-- Advertisements --

Itinalaga si Luis Antonio Cardinal Tagle bilang isa sa rotating post upang tumulong sa Camerlengo, kaugnay ng mga paghahanda para sa pagsisimula ng conclave.

Ito ang proseso sa magiging pagpili ng ipapalit sa pumanaw na si Pope Francis para manguna sa simbahang Katolika.

Napili ang Filipino cardinalbilang miyembro ng Particular Congregation, na ang komposisyon ay ni-renew sa ginanap na fifth pre-conclave meeting of cardinals nitong Lunes na tinawag ding General Congregation.

Nabatid na ang dalawang grupo ay naatasan na mamahala sa simbahan habang bakante ang posisyon ng Catholic Pontiff.

Ang malaking mga desisyon ay hinahawakan ng General Congregation, na binubuo ng lahat ng mga miyembro ng College of Cardinals.

Samantala, ang iba pang mga paghahanda ay ginagawa ng Particular Congregation, na binubuo naman ng Camerlengo at ang tatlong mga cardinals.

Sina Cardinal Tagle at dalawa pang iba ay papalitan naman ng General Congregation tuwing tatlong araw batay sa mga patakaran.