Itinalaga ni Pope Francis si dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang isa sa mga bagong kasapi ng Pontifical Council for Inter-religious Dialogue.
Sa isang pahayag, pinangalanan ng Vatican si Tagle na kabilang sa 22 bagong appointees sa konseho, kasama na ang limang iba pang mga Kardinal, pitong arsobispo, at siyam na obispo na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Si Tagle ang kasalukuyang prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples, na nangangasiwa sa pagkalat ng pananampalatayang Kristiyano sa buong mundo.
Kabilang sa kanilang bagong misyon ay ang ang pagsulong sa pagpapabuti ng relasyon sa mga kasapi ng non-Christian religions.
“[The Pontifical Council is] responsible for promoting mutual understanding, respect, and collaboration between Catholics and followers of other religious tradition; encouraging the study of religions; and promoting the formation of persons dedicated to dialogue,” batay sa Vatican News.
Pinangungunahan ito ni Cardinal Miguel Ángel Ayuso Guixot mula noong Mayo 25.