-- Advertisements --
Itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang kaniyang special envoy sa 50th general conference of the Federation of Asian Bishop’s Conference (FABC) na gaganapin sa Oktubre 30.
Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na pangungunahan ni Tagle ang misa sa FABC conference na gaganapin sa Assumption Cathedral sa Bangkok, Thailand.
Magsisimula ang pagpupulong sa Oktubre 12 na gaganapin sa Baan Phu Waan Pastoral Center of the Archdiocese of Bangkok.
Habang arsobispo kasi si Tagle sa Manila ay pinamunuan nito ang FABC’s Office of Theological Concerns.
Ang 65-anyos na si Tagle ay kasalukuyang pro-prefect para sa Dicastery for Evangelization.