-- Advertisements --

Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga Katoliko na makiisa sa mga programang sinusuportahan ng simbahan kasabay ng pagsisimula ng panahon ng Kwaresma bukas.

Ayon kay Tagle, magandang pagkakataon ito para mapatibay ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kapwa na nangangailangan.

“We, Filipinos, have a deep relationship with our faith. The season of Lent is another opportunity
for us to re-center our lives by helping those who are most in need,” ayon sa Manila archbishop.

Isa sa mga sinusuportahan daw na programa ng arsobispo ang “Hapag-Asa program” na layuning tugunan ang problema ng gutom at malnutrisyon.

Sa ilalim nito, namamahagi ng masustansyang pagkain ang grupong nangangasiwa para sa mga batang lansangan at mahihirap na pamilyang hindi sapat ang kinakain sa maghapon.

Ani Tagle, magsilbing daan ang mga programa gaya ng Hapag-Asa para mapaabot ang malasakit sa mga kapwa na labis na nangaingailangan.

“Feeding hungry children can start with our little sacrifice. Imagine how our Php 10 can go
towards nutritious meals that may spell a difference for their future,” ani Hapag-Asa Director Florinda Lacanlalay.