-- Advertisements --

Ibinunyag ni Luis Antonio Cardinal Tagle na biktima siyang identity theft.

Sa kaniyang homily nitong Gaudete Sunday ng Simbang Gabi para sa mga Filipino community sa St. Peter’s Basilica sa Roma, sinabi ng 66-anyos na cardinal na makailang ulit na ninakaw ang kaniyang pagkakakilanlan.

Ginamit aniya ang kaniyang pangalan para sa pagbenta ng mga gamot para sa rayuma, pagbenta rin ng portable aircon, electric fan at maging ang milk tea.

Agad nitong isinumbong ang pangyayari sa mga otoridad kung saan sinabihan niya ang mga gumagamit sa pangalan nito na dapat ang sariling pangalan na lamang nila ang gamitin.