-- Advertisements --
Antonio Tagle

Nagpositibo sa COVID-19 si Cardinal Luis Antonio Tagle pagdating nito sa Pilipinas.

Sinabi ni Matteo Bruni, director ng Vatican Press Office, isinagawa ang COVID-19 testing kay Tagle nitong Huwebes.

“Cardinal Tagle actually tested positive for Covid-19 with a pharyngeal swab carried out yesterday on his arrival in Manila,” ani Bruni.

Bagamat asymptomatic ito ay nananatili siyang naka-isolate.

Unang nagnegatibo sa COVID-19 testing si Tagle ng magpa-swab test ito sa Rome noong Setyembre 7.

Nakatalaga ngayon sa Vatican ang dating Manila Archbishop bilang prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples at sa kasalukuyan ay pinamumunuan niya ang dicastery na katumbas ng isang Cabinet position sa Vatican.

tagle pope francis
Cardinal Tagle and Pope Francis (photo from Vatican News)

Bago dumating ng Pilipinas ang 63-anyos na cardinal ay tumungo pa ng siyudad ng Turin sa Italy upang makibahagi sa tinatawag na episcopal ordination sa bagong Apostolic Nuncio for Mongolia na si Fr. Giorgio Marengo.