-- Advertisements --
CARDINAL TAGLE
Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle

Agaw pansin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pangunguna niya sa misa sa Shrine of Santo Niño sa Tondo, Maynila dahil isinabay na rin ang kanyang pagpapaalam para tumungo ng Roma sa Vatican.

Una nang itinalaga si Tagle sa isa sa pinakamataas na posiyon ni Pope Francis sa Vatican bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

Kahalintulad daw ito ng Cabinet secretary to the Roman Pontiff.

Sa alay na misa kagabi, hinandugan si Cardinal tagle ng awitin at sayaw ng mga bata bilang sorpresa sa pagtatapos ng misa.

Sa pagsasalita ng Kanyang Kabunyian, hiniling nito na ipagdasal siya at maging ang Santo Papa.

Samantala, kabilang naman sa magiging responsable ni Tagle sa Vatican ay ang pagpapalawak pa ng Catholic faith sa pamamagitang missionary works at ilang kahalintulad na aktibidad.

Papalitan niya si Cardinal Fernando Filoni, na itinalaga bilang Grand Master of the order of the Holy Sepulcher.

Note: Please click above Cardinal Tagle’s audio clip

Nito lamang nakalipas na araw ay nanawagan din ang Cardinal para sa dagdag na tulong sa mga biktima ng kalamidad dala nang pag-aalburuto ng bulkang Taal.

“Thank you for your manifestation of Christian compassion and solidarity towards our sisters and brothers affected by the eruption of Taal Volcano. Your contribution to the relief efforts is commendable. In order to help the Diocesan Cáritas or Social Action Centers (SAC) In Batangas, Cavite and Laguna do their mission well, we suggest that you contact their respective SAC directors to determine their needs and the manner of helping. You may also contact Cáritas Manila to send your assistance since our Damayan people are in close coordination with the said SAC directors. By organizing charity, more people will be served. Their names and contact numbers are below: Fr Jazz Siapno SAC Lipa 09177045064, Fr Michael Cron SAC Imus, 09175619137, Fr Noel Conopio SAC San Pablo 09156527788.”