Pinangunahan ng Filipino Cardinal na si Luis Antonio Tagle ang ikaapat na recitation ng rosary para sa alaala kay Pope Francis.
Isinagawa ito sa nitong Huwebes ng gabi (oras sa Roma) sa Basilica of Saint Mary Major sa Rome.
Nabatid na kabilang si Cardinal Tagle sa mga itinuturing na malapit kay Pope Francis.
Kasama rin siya sa matataas na opisyal ng Vatican, bilang pro-prefect of the Dicastery for Evangelization at the Vatican.
Ang dasal ay bahagi ng serye ng mga panalangin na isinasagawa sa iba’t-ibang simbahan sa Roma bilang paghahanda sa libing ng Catholic leader.
Si Tagle ang napipisil ng ilan para magiging susunod na pope.
Narito ang mga matunog na mga pangalan para sa nasabing posisyon:
Cardinal Luis Antonio Tagle (Pilipinas) – Kilala bilang “Asian Francis,” si Cardinal Tagle ay may malalim na pastoral na karanasan at malapit ang pananaw sa mga isyung panlipunan at migrasyon sa yumaong Santo Papa.
Cardinal Jean-Marc Aveline (France) – Archbishop ng Marseille, kilala sa kanyang repormistang pananaw at tinutukoy bilang “John XXIV” dahil sa pagkakahawig kay Pope John XXIII
Cardinal Peter Erdo (Hungary) – Isang compromise candidate mula sa konserbatibong kampo ngunit may malawak na koneksyon sa progresibong mundo ni Pope Francis.
Cardinal Mario Grech (Malta) – Secretary General ng Synod of Bishops, tagapagdala ng mga reporma ni Pope Francis sa Simbahan.
Cardinal Juan Jose Omella (Spain) – Archbishop ng Barcelona, kilala sa kanyang mapagpakumbabang pamumuhay at pagsusulong ng katarungang panlipunan.