Pinangunahan ni Vatican’s Dicastery for Evangelization pro-prefect Cardinal Luis Antonio Tagle ang prayer service nitong alas-4 ng umaga ng Miyerkules, oras sa Roma sa St. Peter’s Square sa Vatican para sa pagdarasal sa kalusugan ni Pope Francis na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon dahil sa double pneumonia.
Dinaluhan ito ng daan-daang mananampalataya at matataas na opisyal ng Simbahan.
Sa naturang prayer service, dinasal ang rosaryo para sa kalusugan at agarang paggaling ng Santo Papa.
Ang pagdadasal ng rosaryo ay parte ng gabihang inisyatiba na nagsimula noong araw ng Lunes na pinangunahan ni Cardinal Pietro Parolin, ang Secretary of State ng Vatican.
Matatandaan, base sa Vatican nitong Martes, nananatiling nasa kritikal na kondisyon si Pope Francis sa ikaapat na araw subalit stable at hindi nagkaroon ng karagdagang problema sa paghinga.