Hinandugan ng awiting “You’ll Never Walk Alone” ng mga obispo sa isang gathering si outgoing Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, bago siya tumulak patungo sa Roma para sa bago nitong posisyon na mamumuno sa Congregation of the Evangelization of Peoples.
Umaabot sa 90 obispo mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang nagtipon-tipon, kasabay ng kanilang plenary assembly.
Para sa mga opisyal ng simbahan, maituturing na “national flag carrier” si Tagle na magdadala ng pananampalataya ng Filipino Catholics na ipapamalas sa buong mundo.
Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Archbishop Romulo Valles, isang magandang regalo mula sa Pilipinas si Cardinal Tagle para sa universal Church at maging sa Roma.
“We would like to tell the world that he is the gift of the Filipinos to the universal Church and to Rome,” wika ni Valles.
Una rito, emosyunal ding nagpa-alam ang cardinal sa kaniyang mga kababayan sa Imus, Cavite kamakailan.