-- Advertisements --

Binisita ng mga miyembro ng College of Cardinals ang puntod ng yumaong lider ng Simbahang Katolika na si Santo Papa Francisco na nakahimlay sa St. Mary Major Basilica na binuksan na rin sa publiko simula umaga nitong Linggo, Abril 27.

Nag-alay ang mga Cardinal ng panalangin sa puntod ni Pope Francis.

Pagkatapos nito ay nagtipun-tipon ang mga Cardinal sa basilica para sa evening prayer o Second Vespers na pinangunahan ni Coadjutor Archpriest ng Basilica na si Lithuanian Cardinal Rolanda Makrickas.

Nakiisa din ang mga grupo ng mga mananampalataya sa evening prayer habang ang iba naman ay nagbigay pugay sa namayapang Santo Papa.

Nasa tinatayang 20,000 katao ang bumisita sa puntod ng Santo Papa simula kahapon.

Matatandaan na noong Araw ng Sabado, Abril 26, nang tuluyan ng inihimlay sa kaniyang huling hantungan si Pope Francis matapos pumanaw sa edad na 88 anyos matapos ma-stroke, na humantong sa coma at cardiac arrest noong Abril 21.