-- Advertisements --

Mistulang naghiganti ang Milwaukee Bucks sa muli nilang paghaharap ng Indiana Pacers, matapos nitong buhusan ng 140 points ang kalaban.

Sa naging panalo ng Bucks, nagtala rin si Giannis Antetokounmpo ng 64 points at 14 rebounds na siyang career high ng 2021 Finals MVP.

Umabot lamang sa 126 points ang naging sagot ng Pacers sa big night ng Bucks.

Maalalang nagharap ang dalawa sa Semi-finals ng kauna-unahang In-Season Tournament ng NBA kung saan tinalo ng Pacers ang Bucks, 128 – 119.

Ngunit sa muli nilang paghaharap ngayong araw(Dec14), kontrolado ng Bucks ang opensa gamit ang 53.9% na shooting average.

Sinamantala ng koponan ang kanilang height advantage at gumawa ng 70 points sa loob ng paint kontra sa 56 points lamang na sagot ng pacers.

Naging malaking bentahe rin ng Bucks ang free throw area matapos itong gawaran ng 48 shots. Nagawa ng Bucks na ipasok ang hanggang 37 shots dito, o katumbas ng 77.1%

Para sa Pacers, Hindi umubra ang tig-22 points na ambagan nina Myles Turner at Tyrese haliburton upang ungusan ang kalaban.

Hawak na ng Bucks ang 17 wins at pitong pagkatalo habang ito naman ang ika-siyam na pagkatalo ng pacers, hawak ang 13 na panalo.