-- Advertisements --
Patay ang isang crew ng cargo plane sa Lithuania matapos na ito ay bumagsak sa mga kabahayan.
Nangyari ang insidente ng hindi ligtas na mailapag ng piloto ang eroplano sa Vilnius Airport at sa halip ay bumagsak sa mga kabahayan.
Nailigtas naman ang tatlong ibang sakay ng eroplano kasama ang piloto ganun din ang 12 katao sa mga bahay na agad na inilikas.
Galing sa Leipzig, Germany ang cargo plane ng ito ay nakatakdang lumapag sana sa Villnuis Airport ng mangyari ang aksindente.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.